Sunday, July 6, 2008

30 na KO!

Grabee!! parang kaylan lang 29 palang ako ha?..
Hahaha July 4 , nung Friday Birthday ko...
Hay! Sobrang Busy talaga .. ngayon ko lang na i blog to . . July 7 na...

July 3 .. nasira yung 1 kong PC kaya about 5 pm diretso ako ng Gilmore para bumili ng Motherboard .. sabi ko sa Misis ko.. huwag nalang tayo maghanda sa Birthday ko .. yung perang panghahanda bibili ko nalang ng motherboard ..
Pag-uwi ko .. mga 9: 30 pm yata yun .. ginawa ko agad yung PC .. Ok naman kaagad ..
Natapos ako mga 2 : 30 AM .. natagalan kasi ako sa pagpapatch ng Online games..

July 4 - sabi ko sa sarili ko Day Off ko ngayon .. hindi muna ako magbabantay ng PC Rental ko ..
Birthday ko wala munang trabaho .. kaso 6 AM palang tumatahol na aso ko sa labas ... umuulan pa naman.. may lalaking hindi ko kilala .. na may dalang CPU .. papareformat daw ng PC .. ayoko ko sana kaso may dala dala na syang Motor at mga CD .. tapos malakas pa ang ulan
Hay!!! trabaho na naman .. siningil ko ng 500 ..
In Short Ginawa ko .. 8 AM ata ako natapos .. tapos tuloy na sa pagbubukas ng Cafe..
Balik ulit sa Ordinary day ..
Same as Yesterday ... wala munang Birthday Birthday ... hehehe

30 na ko,

Wish KO!

sana next year sa age of 31 .. lumaki at dumami pa sana ang negosyo ko ..
sana wala rin akong masaktan o matapakang tao .. (hindi dahil sa mataba ko). kundi dahil sa ayokong may magalit sa akin..

Thank you! po Lord sa lahat ng Blessing at Trials na dumating sa buhay ko ..
--------------------------------------SALAMAT SA LAHAT!