Halos araw araw kong nakikita yung Manong na dumadaan sa amin.. na nagtitinda ng Ice Drop, Ice Cream Stick o popsicle ba yun.. Yung nasa brown styro Box... Mga alas dos yata lagi ng hapon..
Ano naman ngayon??????wala naman..Kase,!
kahit umuulan, kahit basa na sya sa ulan naglalako parin sya ... ng Ice Drop
Nakikita ko sya naglalakad sa kalsada.. habang nagkakalembang ng maliit na batingting..
habang bumubuhos ang malakas na ulan..
Gusto ko nga sana tawagin, tapos sabay tanong na " Manong, magkano yung balot nyo.."
Kaso, baka maasar, tapos batuhin ako ng batingting nya... hehehe
----
Pero minsan sa buhay ko paheras din kami ni Manong .. noong grade 4 hanggang grade 6 ako..
nagwawalis ako ng Jeep Biyaheng Q. Hi-way, T. Sora, Up.. kapag wala na akong pasok sa school.. Dun kami nakapwesto sa Sta. Quiteria Market.. Tuwing tag - ulan.. walang nagpapawalis ng jeep syempre basa yung sahig..
Kaya ang raket namin tuwing tag - ulan ay magbenta ng Dyaryo.. habang basang basa ako, balot na balot naman ng plastic yung Dyaryo ko.. Kahit bumabagyo nagbebenta ako ng Dyaryo..
Kase lasenggo at wala namang trabaho ang Tatay ko.. tapos panganay ako .. tapos sumama pa yung nanay ko sa ibang lalaki mula ng Grade 4 ako, kaya lalong natulig yung Tatay ko.... eh may dalawa pa akong kapatid .. paano kami kakain sa panahong yun.. di ba?
Kaya sa'yo Manong nauunawaan kita ... alam ko ganun din yung iba..
Pero sana next time wag naman Ice Drop sa tag - ulan.. kahit Yosi nalang! hehehe