Monday, November 17, 2008

Ok yan.

Ngayon gabi ..

Tinawag ako ng Costumer ko .. tapos pinakita nya yung Picture sa friendster ng Ate nya .. na nasa New Zealand ..

Sabi nya: " Kuya! .. Dyan ako pupunta sa Miyerkules .., magtatrabaho ako dyan.. waitress"
Sabi ko. "OK yan"
Sabay humagulgol sya ng iyak... parang bata.. grabee! lahat nagtinginan sa amin.. ang dami pa naman tao....

Sabi ko sa sarili ko" Kung bata lang 'to.. kinotungan ko na 'to kaso 23 years old na." hehehe
Nakakahiya nga.. baka kasi akalain ng iba.. pinaiyak ko.. (in fairness maganda sya)

_____________________________________________

Di na bago sa Internet Cafe yun..

Yung mga regular costumer na nagcocomputer.. nagpapagawa ng Resume.. nagpapascan.. nagpapa attach ng Requirements..

Tapos ngayon, sa YM at sa friendster mo nalang nakikita ..
_____________________________________________

Kaya para sa Regular Costumer ko since Opening Day na si Maribel ..

Von voyage!

YM nalang tayo pag nasa Aukland kana!

No comments: